Kayarian ng pangngalan sa pangungusap

Ano-ano ang kayarian ng pangngalan?

Ang pangngalan ay uri ng salitang tumutukoy sa pangalan. Ito ay may iba't-ibang kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan.

PAYAK

Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. Hindi ginagamitan ng panlapi.


Halimbawa:
  1. bahay
  2. tao
  3. bata
  4. kamatis
  5. pinto
  6. lapis
  7. mata
  8. usok
  9. ibon
  10. lakad

MAYLAPI

Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlaping maaring matatagpuan sa unahan, gitna, hulihan o kabilaan.


Halimbawa:
  1. kabahayan
  2. tauhan
  3. kabataan
  4. pintuan
  5. dalagita
  6. kalooban
  7. katandaan
  8. kagulohan
  9. kasiyahan
  10. pag-ibig

INUULIT

Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat o ng buong salitang-ugat na maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi.


Halimbawa:
  1. gabi-gabi
  2. araw-araw
  3. sabi-sabi
  4. bali-balita
  5. buhay-buhay

TAMBALAN

Ito ay pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita

Dalawang  uri ng Tambalan:

GANAP

Nagbabago ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.


Halimbawa:
  1. Kisapmata
  2. Anakpawis
  3. Hampaslupa
  4. Bahag-hari
  5. Tengang-kawali

DI-GANAP

Hindi nagbabago ang kahulugan ng dalawang salting pinagsama.


Halimbawa:
  1. Silid-aralan
  2. Punong-guro
  3. Silid-aklatan
  4. Bahay-ampunan
  5. Silid-tulugan

Pangngalan at mga halimbawa sa pangungusap


Ano ang pangngalan at paano ito makikilala sa pangungusap?

Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari. Tinatawag din itong NOUN sa English. Ito ay maaring pangkatin ayon sa kanyang kategorya: tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari.

Mga halimbawa ng mga Pangngalan ayon sa kategorya.


  • TAO: tumutukoy sa pangalan ng tao.
Jose, Pedro, Juan, Samuel, Liza, Meriam, bata, guro, pinsan, pulis, bombero

  • BAGAY: tumutukoy sa pangalan ng mga bagay
pera, panyo, lapis, cellphone, tablet, papel, aklat, watawat, gitara, sapatos

  • HAYOP: tumutukoy sa pangalan ng mga hayop
kambing, aso, ahas, kalabaw, agila, pusa, ipis, tamaraw, uod, ibon

  • LUGAR: tumutukoy sa pangalan ng lugar
Luneta, bayan, Tokyo, EDSA, Cebu, palenke, Canada, Seoul

  • PANGYAYARI: tumutukoy sa pangalan ng mga pangyayari o EVENTS
Kaarawan, Pista, EDSA revolution, Bagong taon, Pasko, Anibersaryo

  • KAISIPAN: tumutukoy sa pangalan ng mga ideya o kaisipan na kadalasang hindi nakikita o nahahawakan
kalayaan, kahirapan, lungkot, takot, kasiyahan, pagmamahal, galit

Paano ito makikilala sa pangungusap?

Basahin ang pangungusap at kilalanin ang pangngalan o pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari sa pangungusap.

Makukulay ang mga bulaklak.


Dalawang bahagi at halimbawa ng pangungusap

Ano-ano ang bahagi ng pangungusap at halimbawa ng pangungusap?
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Ito ay Simuno at Panaguri.

Simuno/Paksa(English: Subject):

Ito ay ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:
apple, simuno, dalawang bahagi ng pangungusap
A.

  1. Ang mansanas ni Perla ay napakasarap.
  2. Mayaman sa bitamina ang mansanas.
  3. Ang mansanas ay masustansiyang pagkain.

B.
  1. Si Angela ay isang matalinong mag-aaral.
  2. Masipag mag-aral si Piolo.
  3. Maganda ang babae.
  4. Sila ay sumasayaw ng tinikling sa entablado.
  5. Ang anak ni Julio ay nakahuli ng malaking ahas.
  6. Magaling gumuhit si Anton.
  7. Masarap ang lutong ulam ni Inay.
  8. Ang mga ibon ay masayang umaawit sa puno ng mangga.
  9. Tumutulong sa gawaing bahay si Jolo.
  10. Sina Ana at Maria ay masayang nag-uusap sa ilalim ng puno.

Panaguri(English: Predicate):

Ito ay bahaging nagsasabi o nagsasaad tungkol sa simuno.
Halimbawa:
mango, panaguri, dalawang bahagi ng pangungusap
A.

  1. Kulay dilaw at napakatamis ang mangga.
  2. Naghanda ng matatamis na mangga ang inay ni Rosa.
  3. Naubos namin ang mangga.
B.
  1. Si Antonio ay isang matalinong mag-aaral.
  2. Masipag mag-aral si Piolo.
  3. Maganda ang babae.
  4. Sila ay sumasayaw ng tinikling sa entablado.
  5. Ang anak ni Julio ay nakahuli ng malaking ahas.
  6. Magaling gumuhit si Anton.
  7. Masarap ang lutong ulam ni Inay.
  8. Ang mga ibon ay masayang umaawit sa puno ng mangga.
  9. Tumutulong sa gawaing bahay si Jolo.
  10. Sina Ana at Maria ay masayang nag-uusap sa ilalim ng puno.

Subukin ang iyong kaalaman:

A. Tukuyin ang Simuno.
  1. Ang mga halaman ay namumulaklak.
  2. Marami ang mga nahuling isda ni Juan.
  3. Masipag si Juan sa mga gawaing bahay.
  4. Ang bahay ni Juan ay napakaganda.
  5. Sina Juan at Pedro ay naglalaro ng patentero.
  6. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
  7. Matatapang ang ating mga bayani.
  8. Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng Pilipinas.
  9. Ang Pilipinas ay isang bansa.
  10. Tayo ay mga Pilipino.
B. Tukuyin ang Panaguri.
  1. Ang mga halaman ay namumulaklak.
  2. Marami ang mga nahuling isda ni Juan.
  3. Masipag si Juan sa mga gawaing bahay.
  4. Ang bahay nina Juan ay napakaganda.
  5. Sina Juan at Pedro ay naglalaro ng patentero.
  6. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
  7. Matatapang ang ating mga bayani.
  8. Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng Pilipinas.
  9. Ang Pilipinas ay isang bansa.
  10. Tayo ay mga Pilipino.

Pindutin upang malaman ang SAGOT.


Pangungusap at parirala: pagkakaiba, halimbawa

Ano ang pinagkaiba ng pangungusap sa parirala?


Ang pangungusap ay grupo ng mga salitang nagpapahiwatig ng buong ideya. Ito'y nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos ng tuldok o tandang pananong.Ang parirala ay grupo ng mga salitang hindi buo ang kaisipan o ideya.

Halimbawa ng pangungusap:

  1. Si Mario ay maagang gumigising upang makatulong sa ama.
  2. Ang mga bata ay masayang naglalaro ng patentero.
  3. Mayaman ang pamilya ni Rosa.
  4. Matulungin sa kapwa ang kapatid ni Rico.
  5. Nais ni Juan na maging isang pulis balang araw.

Halimbawa ng parirala:

  1. Masayang naglalaro
  2. Pamilya ni rosa
  3. Matulungin sa kapwa
  4. Isang pulis
  5. Si Mariio

Halimbawa ng pangungusap gamit ang larawan

pangungusap, parirala
  • Maganda ang bulkang Taal.
  • Napapaligiran ng tubig ang bulkan.
  • Maganda ang mga pasyalan sa may bulkang Taal.
  • Marami ang pasyalan sa tabi ng bulkang Taal.
  • Ang bulkang taal pinupuntahan ng mga dayuhan.

Halimbawa ng parirala gamit ang larawan

pangungusap, parirala
  • Ang Pagsanjan
  • ay maganda
  • ang tubig
  • ay talon
  • pinupuntahan ng mga dayuhan

Pangungusap at mga halimbawa

Ano ba ang pangungusap?


Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salitang nagbibigay ng buong diwa o kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos naman sa tuldok o tandang pananong.

Mga halimbawa ng pangungusap:

  1. Si Pedro ay isang mabait na bata.
  2. Bakit kailangang mag-aral ang isang bata?
  3. Masipag mag-aral si Juan.
  4. Tumutulong si Juan sa mga gawaing bahay.
  5. Mahilig maglaro ng bola sina Pedro at Juan.
  6. Ako ay sasama sa palengke bukas.
  7. Nagdarasal kami palagi bago kumain.
  8. Malinis ang aming bakuran.
  9. Bakit marami ang namamatay dahil sa dengue?
  10. Ang aklat ay nakatutulong sa pag-aaral.

Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang larawan

Pangungusap, Halimbawa ng pangungusap, Catriona Gray
  • Si Catriona ay maganda.
  • Siya ay nanalo bilang Miss Universe.
  • Si Catriona ay nakangiti.
  • Hawak ni Catriona ang mga bulaklak.
  • Si Catriona ay may itim na buhok.

Nature, pangungusap, halimbawa, Halimbawa ng pangungusap
  • Maganda ang tanawin.
  • Nakakaakit tingnan ang larawan.
  • May mga talon sa may pampang.
  • Kulay berde ang mga dahon  ng mga punong kahoy.
  • Ang kulay ng tubig ay magandang pagmasdan.
Halimbawa ng pangungusap, pangungusap, mayon volcano pangungusap


  • Ang Bulkang Mayon ay maganda.
  • Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Albay.
  • May mga naninirahan ibaba ng Bulkang Mayon.
  • Marami ang mga pananim sa ibaba ng bulkan.
  • Umuusok ang tuktok ng bulkan.

Subukan ang iyong kaalaman sa pangungusap

Lumikha ng pangungusap gamit ang larawan sa ibaba.
Halimbawa ng pangungusap, pangungusap, rice terraces pangungusap