Ano ang pangngalan at paano ito makikilala sa pangungusap?
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari. Tinatawag din itong NOUN sa English. Ito ay maaring pangkatin ayon sa kanyang kategorya: tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari.
Mga halimbawa ng mga Pangngalan ayon sa kategorya.
- TAO: tumutukoy sa pangalan ng tao.
Jose, Pedro, Juan, Samuel, Liza, Meriam, bata, guro, pinsan,
pulis, bombero
- BAGAY: tumutukoy sa pangalan ng mga bagay
pera, panyo, lapis,
cellphone, tablet, papel, aklat, watawat, gitara, sapatos
- HAYOP: tumutukoy sa pangalan ng mga hayop
kambing, aso, ahas,
kalabaw, agila, pusa, ipis, tamaraw, uod, ibon
- LUGAR: tumutukoy sa pangalan ng lugar
Luneta, bayan, Tokyo, EDSA, Cebu, palenke, Canada, Seoul
- PANGYAYARI: tumutukoy sa pangalan ng mga pangyayari o EVENTS
Kaarawan, Pista, EDSA revolution, Bagong taon, Pasko,
Anibersaryo
- KAISIPAN: tumutukoy sa pangalan ng mga ideya o kaisipan na kadalasang hindi nakikita o nahahawakan
kalayaan, kahirapan, lungkot, takot, kasiyahan, pagmamahal,
galit
Paano ito makikilala sa pangungusap?
Basahin ang pangungusap at kilalanin ang pangngalan o
pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, kaisipan o pangyayari sa pangungusap.
Makukulay ang mga bulaklak.
No comments:
Post a Comment