Ang pangungusap ay grupo ng mga salitang nagpapahiwatig ng buong ideya. Ito'y nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos ng tuldok o tandang pananong.Ang parirala ay grupo ng mga salitang hindi buo ang kaisipan o ideya.
Halimbawa ng pangungusap:
- Si Mario ay maagang gumigising upang makatulong sa ama.
- Ang mga bata ay masayang naglalaro ng patentero.
- Mayaman ang pamilya ni Rosa.
- Matulungin sa kapwa ang kapatid ni Rico.
- Nais ni Juan na maging isang pulis balang araw.
Halimbawa ng parirala:
- Masayang naglalaro
- Pamilya ni rosa
- Matulungin sa kapwa
- Isang pulis
- Si Mariio
Halimbawa ng pangungusap gamit ang larawan
- Maganda ang bulkang Taal.
- Napapaligiran ng tubig ang bulkan.
- Maganda ang mga pasyalan sa may bulkang Taal.
- Marami ang pasyalan sa tabi ng bulkang Taal.
- Ang bulkang taal pinupuntahan ng mga dayuhan.
Halimbawa ng parirala gamit ang larawan
- Ang Pagsanjan
- ay maganda
- ang tubig
- ay talon
- pinupuntahan ng mga dayuhan
No comments:
Post a Comment