Ang pangngalan ay uri ng salitang tumutukoy sa pangalan. Ito ay may iba't-ibang kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan.
PAYAK
Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. Hindi ginagamitan ng panlapi.
Halimbawa:
- bahay
- tao
- bata
- kamatis
- pinto
- lapis
- mata
- usok
- ibon
- lakad
MAYLAPI
Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlaping maaring matatagpuan sa unahan, gitna, hulihan o kabilaan.
Halimbawa:
- kabahayan
- tauhan
- kabataan
- pintuan
- dalagita
- kalooban
- katandaan
- kagulohan
- kasiyahan
- pag-ibig
INUULIT
Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat o ng buong salitang-ugat na maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi.
Halimbawa:
- gabi-gabi
- araw-araw
- sabi-sabi
- bali-balita
- buhay-buhay
TAMBALAN
Ito ay pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita
Dalawang uri ng Tambalan:
GANAP
Nagbabago ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
- Kisapmata
- Anakpawis
- Hampaslupa
- Bahag-hari
- Tengang-kawali
DI-GANAP
Hindi nagbabago ang kahulugan ng dalawang salting pinagsama.
Halimbawa:
- Silid-aralan
- Punong-guro
- Silid-aklatan
- Bahay-ampunan
- Silid-tulugan
No comments:
Post a Comment