Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Ito ay Simuno at Panaguri.
Simuno/Paksa(English: Subject):
Ito ay ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.Halimbawa:
A.
- Ang mansanas ni Perla ay napakasarap.
- Mayaman sa bitamina ang mansanas.
- Ang mansanas ay masustansiyang pagkain.
B.
- Si Angela ay isang matalinong mag-aaral.
- Masipag mag-aral si Piolo.
- Maganda ang babae.
- Sila ay sumasayaw ng tinikling sa entablado.
- Ang anak ni Julio ay nakahuli ng malaking ahas.
- Magaling gumuhit si Anton.
- Masarap ang lutong ulam ni Inay.
- Ang mga ibon ay masayang umaawit sa puno ng mangga.
- Tumutulong sa gawaing bahay si Jolo.
- Sina Ana at Maria ay masayang nag-uusap sa ilalim ng puno.
Panaguri(English: Predicate):
Ito ay bahaging nagsasabi o nagsasaad tungkol sa simuno.
Halimbawa:
A.
- Kulay dilaw at napakatamis ang mangga.
- Naghanda ng matatamis na mangga ang inay ni Rosa.
- Naubos namin ang mangga.
- Si Antonio ay isang matalinong mag-aaral.
- Masipag mag-aral si Piolo.
- Maganda ang babae.
- Sila ay sumasayaw ng tinikling sa entablado.
- Ang anak ni Julio ay nakahuli ng malaking ahas.
- Magaling gumuhit si Anton.
- Masarap ang lutong ulam ni Inay.
- Ang mga ibon ay masayang umaawit sa puno ng mangga.
- Tumutulong sa gawaing bahay si Jolo.
- Sina Ana at Maria ay masayang nag-uusap sa ilalim ng puno.
Subukin ang iyong kaalaman:
A. Tukuyin ang Simuno.
- Ang mga halaman ay namumulaklak.
- Marami ang mga nahuling isda ni Juan.
- Masipag si Juan sa mga gawaing bahay.
- Ang bahay ni Juan ay napakaganda.
- Sina Juan at Pedro ay naglalaro ng patentero.
- Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
- Matatapang ang ating mga bayani.
- Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng Pilipinas.
- Ang Pilipinas ay isang bansa.
- Tayo ay mga Pilipino.
B. Tukuyin ang Panaguri.
- Ang mga halaman ay namumulaklak.
- Marami ang mga nahuling isda ni Juan.
- Masipag si Juan sa mga gawaing bahay.
- Ang bahay nina Juan ay napakaganda.
- Sina Juan at Pedro ay naglalaro ng patentero.
- Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
- Matatapang ang ating mga bayani.
- Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng Pilipinas.
- Ang Pilipinas ay isang bansa.
- Tayo ay mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment