Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salitang nagbibigay ng buong diwa o kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos naman sa tuldok o tandang pananong.
Mga halimbawa ng pangungusap:
-
Si Pedro ay isang mabait na bata.
-
Bakit kailangang mag-aral ang isang bata?
-
Masipag mag-aral si Juan.
-
Tumutulong si Juan sa mga gawaing bahay.
-
Mahilig maglaro ng bola sina Pedro at Juan.
-
Ako ay sasama sa palengke bukas.
-
Nagdarasal kami palagi bago kumain.
-
Malinis ang aming bakuran.
-
Bakit marami ang namamatay dahil sa dengue?
-
Ang aklat ay nakatutulong sa pag-aaral.
Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang larawan
- Si Catriona ay maganda.
- Siya ay nanalo bilang Miss Universe.
- Si Catriona ay nakangiti.
- Hawak ni Catriona ang mga bulaklak.
- Si Catriona ay may itim na buhok.
- Maganda ang tanawin.
- Nakakaakit tingnan ang larawan.
- May mga talon sa may pampang.
- Kulay berde ang mga dahon ng mga punong kahoy.
- Ang kulay ng tubig ay magandang pagmasdan.
- Ang Bulkang Mayon ay maganda.
- Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Albay.
- May mga naninirahan ibaba ng Bulkang Mayon.
- Marami ang mga pananim sa ibaba ng bulkan.
- Umuusok ang tuktok ng bulkan.
Subukan ang iyong kaalaman sa pangungusap
Lumikha ng pangungusap gamit ang larawan sa ibaba.
No comments:
Post a Comment